Bahala na ang DILG at mga LGU na magpatulad ng pwersahang paglilikas sa iba pang mg residente sa ilang Brgy. sa Agoncillo at Laurel Batangas.
Itoy matapos na maitala ang kakaunti lang na bilang ng evacuees kasunod ng pag-aalburuto ng bulkang taal.
Una na kasing sinabi ng NDRRMC at OCD-4A na mahigit 14k indibidwal ang target na mailikas sa limang Barangay sa Laurel at Agoncillo.
Gayunman, lumalabas sa datos ng NDRMMC ngayon, 1495 individuals lang ang lumikas.
Sa pulong balitaan, sunabi ni NDRRMC Exec. Dir. Usec. Ricardo Jalad na dapat sumunod ang lahat sa rekomendasyon ng PhiVolcs.
Aniya, ang DILG at mga LGU ang in-charge para hikayatin at ipatupad ang paglilikas sa mga residente.
Samantala, sinabi maman ni Jalad na masusi nilang bunabantayan ang sama ng panahon na maaaring makaapekto sa sitwasyon sa taal.
Aniya, may close coordination na sila ng PAGASA at PHIVOLCS dahil maaaring makaapekto ang hanging dala ng masamang panahon sa abo mula sa Taal.
Kaugnay nito, inalok na ng DEPED CALABARZON ang mga eskwelahan sa iba’t ibang lugar sa region 4A para gawing posibleng evacuation center kung lumala ang sitwasyon sa Taal.
Sa ngaun, labindalawang evacuation centers ang ginagamit ng nasa 330 families mula sa Laurel at Agoncillo habang ang iba naman ay nakituloy sa kanilang mga kaanak at kaibigan.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)