Inirekomenda na ng mga otoridad sa La Mesa Dam ang forced evacuation sa mga residente sa paligid nito maging sa mga nakatira sa gilid ng Tullahan River.
Ito’y bunsod ng pinangangambahang pag-apaw ng dam sa oras na magpatuloy ang malakas na ulan dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Falcon.
As of 6 AM ay nasa 79.98 meters na ang level ng tubig sa La Mesa o malapit sa spilling level na 80.15 meters at posibleng umapaw anumang oras mula ngayon.
Kabilang sa mga apektado ang mga residente ng barangay Greater Fairview, Greater Lagro, North Fairview, Nagkaisang Nayon, Novaliches Proper, San Bartolome, Gulod at Sta. Lucia sa Quezon City;
Gen. T. De Leon, Ugong, Marulas, Mapulang Lupa, Karuhutan, Paso de Blas, Parada at Maysan sa Valenzuela City.
By Drew Nacino | Jopel Pelenio (Patrol 17)