Ipinag-utos ng Quezon Provincial Government ang forced evacuation ng mga residente sa coastal at landslide-prone areas sa Polillo Islands.
Ayon ay Quezon Gov. Helen Tan, kagabi pa lamang ay inatasan na niya ang mga Alkalde sa lalawigan na magpatupad ng evacuation dahil sa bagyong Karding, na lumakas pa at isa nang ganap na Super Typhoon.
Kaninang alas-8 ng umaga, nagpunta sa mga barangay ang Municipal Disaster officers para ipabatid ang forced evacuation.
Kabilang sa mga lugar na ito ang Polillo, Burdeos, Panukalan, Patnanungan at Jomalig na lahat ay parte ng Polillo Group of Islands.