Umapela ang Foreign Affairs Ministry ng China sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na magsalita at kumilos nang naaayon sa estado sa buhay.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Foreign Ministry Spokesman Wang Wenbin na walang maidudulot na maganda ang anito’y megaphone diplomacy.
Dapat anitong tumigil na ang Pilipinas sa paggawa ng hakbang na maaaring magdulot ng kumplikasyon ng sitwasyon dahil pag-aari ng China ang Scarbourough Shoal.
Una ang nagmura si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa Twitter sa gitna na rin nang pagpapaalis sa mga barko ng China sa mga karagatang sakop ng Pilipinas.