Tiwala si Senate Minority Leader Ralph Recto na hindi na kailangan pa ng Pilipinas na humingi ng tulong mula sa international community para sa mga biktima ng nakalipas na kalamidad.
Ito’y ayon kay Recto ay dahil sa mayruon pang 37 Bilyong Pisong calamity fund na hindi pa nagagamit hanggang nitong Agosto.
Gayunman, sinabi ni Recto na ang hamon ngayon sa kasalukuyang administrasyon ay kung gaano kabilis na ipalalabas ang nasabing pondo upang mabilis na matugunan ang pangangailangan ng mga sinalanta.
Nagmula aniya ang nasabing pondo mula sa mga sobrang budget nuong isang taon gayundin sa mga hindi pa nagagamit na pondo na nakalaan sa kasalukuyang budget ng pamahalaan sa ilalim ng Risk Reduction and Management Fund.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno