Pumapalo na sa 602,000 OFWs ang napauwi na sa bansa ng gobyerno.
Kabilang dito, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay mga OFW na natapos na ang kontrata at mga nahaharap sa welfare cases tulad ng mga inabuso ng kanilang employers.
Sinabi sa DWIZ na hinahabol na niya ang Foreign Recruitment Agency at maging ang local agency ng mga inabusong OFW para maipa-blacklist ang mga ito at kung kinakailangan ay kanselahin niya ang lisensya ng local agency.
Unang una yung hinabol ko yung Foreign Recruitment Agency, pina-blacklist ko na …. Ay hindi maive-verify lahat ng contract para hindi sila makakuha ng mga OFW ganun din yung ating ano dito, yung local, yung Philippine Recruiment Agency, ipinapa-imbestigahan ko na. At habang iniimbestiga, ay suspendido ang kanilang lisensya at maaari kapagka nalaman ko na pinabayaan nila yung kanilang dineploy, ipapakansela ko po yung kanilang lisensya,” pahayag ni Labor Secretary Bello III sa panayam ng DWIZ.