Tumaas ang Foreign Currency Reserve ng Pilipinas nitong Oktubre kasabay ng presyo ng ginto at mga deposito ng gobyerno sa Central Bank.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala ang 107.95 billion dollars na Gross International Reserves (GIR) ng bansa, mas mataas ng 1.35 billion dollars mula sa 106.6 billion dollars nitong katapusan ng Setyembre.
Bukod dito, ang buwan-buwang pagtaas sa antas ng GIR sa net foreign currency na deposito ng gobyerno sa BSP ay nakakaapekto sa pagtaas ng presyo ng ginto sa pandaigdigang merkado.
Ang GIR ay sukatan ng kakayahan ng isang bansa na makapagbayad sa import payments at service foreign debt. —sa panulat ni Airiam Sancho