Ipinagmalaki ng Malacañang ang mataas na FDI o foreign direct investment net flow na 71.7 percent noong Abril na pinakamataas na naabot ngayong taon.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na batay sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP, ang 71.7 percent na paglago sa FDI ay katumbas ng 874 million dollars.
Mas mataas ito sa naitalang 61.1 percent noong Marso o katumbas ng 509 million dollars.
Binigyang-diin ni Abella na nakikita na ang pagsisikap ng Duterte administration na palakasin pa ang ekonomiya sa pamamagitan ng matatag na macro-economic fundamentals at tumatas na kumpiyansa ng mga investor na mamuhunan sa bansa.
By Meann Tanbio | ulat ni Aileen Taliping (Patrol 23)
Foreign direct investment ng bansa umabot sa 71.1% was last modified: July 12th, 2017 by DWIZ 882