Bumaba ang Foreign Direct Investments (FDI) o mga dayuhang namumuhan sa bansa noong Setyembre.
Ito’y batay sa inilabas na datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mas kakaunti ang pumapasok na utang noong nakaraang buwan.
Ayon sa BSP, umabot sa 626 million dollar ang net inflow ng FDI na bumaba kumpara sa 774 million dollar noong Agosto sa parehong buwan noong nakaraang taon.
Nanatili anya na mahina ang FDI sa gitna ng paghina ng ekonomiya dahil sa mataas na inflation at pagbaba ng halaga ng piso.
Magugunitang nilagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aamyenda sa Public Service Act o pinahihintulutan ang mga dayuhan na magserbisyo tulad ng telecommunications at railways. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla