Sumipa ang foreign direct investments (FDI) sa bansa nitong 2017.
Batay sa record ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa 10.5 billion dollars ang FDI inflows noong nakaraang taon, mas mataas sa naitalang 8.28 billion dollars noong 2016.
Ayon kay BSP Governor Nestor Espenilla Jr., nagpapatuloy ang kumpiyansa ng mga investors ang Pilipinas bilang pinakamainam na lugar para paglagakan ng negosyo.
Bunsod na rin ito, aniya sa mahusay na macro-economic fundamentals at malaking potensyal ng bansa.
Sinabi pa ni Espenilla, nagmula sa mga bansang Netherlands, Singapore, United States, Japan at Hong Kong ang karamihan sa equity capital placements sa Pilipinas.
Samantala, tumaas naman sa 9.3 percent ang reinvestment of earnings sa bansa na umabot sa 776 million dollars nitong 2017.
—-