Tumaas ng 79 percent ang foreign direct investments o FDI na bumuhos sa Pilipinas sa unang pitong buwan ng taong kasalukuyan.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umakyat sa 4.69 billion dollars ang FDI mula Enero hanggang Hulyo na mas mataas ng 2.07 billion dollars kumpara sa 2.62 billion dollars na naitala sa kaparehong panahon noong 2015.
Ipinagmalaki ng Central Bank na ang paglobo ng FDI ay maaaring dulot ng positibong pananaw ng mga negosyante sa ekonomiya ng Pilipinas.
Inihayag pa ng BSP na karamihan sa mga investment na ito ay mula sa Japan, Singapore, Hong Kong, US, at Taiwan na inilagak sa pamamagitan ng financial, insurance, real estate, manufacturing, construction, accommodation at food service.
By Jelbert Perdez