Ipinatitigil na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng marine research at explorations ng mga dayuhan sa Philippine Rise o kilala rin sa tawag na Benham Rise.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, inatasan rin ng Pangulo ang Philippine Navy na habulin palabas ng labing tatlong (13) milyong ektaryang continental shelf ang lahat ng dayuhang barko na pumasok sa lugar.
Sa kanilang cabinet meeting, nais rin ng Pangulo na magkaroon ng aerial survey ang Philippine Air Force at magpadala ng mga barko sa Philippine Rise upang alamin ang presensya ng mga dayuhang barko sa lugar.
Ipinaliwanag ni Piñol na nagbago ang isip ng Pangulo matapos ihayag ng isang diplomat mula sa China na hindi pag-aari ng Pilipinas ang Philippine o Benham Rise.
Matatandaan na pinayagan ng pamahalaan ng Pilipinas ang China na pumasok at magsagawa ng research sa Benham Rise.
—-