Nakapagtala ang pamahalaan ng 734 billion pesos na investment approvals.
Ayon kay Usec. Ceferino Rodolfo ng DTI-Board of Investments, naitala ang numerong ito mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Mas mataas aniya ito kumpara sa 362 billion pesos sa kaparehong panahon noong 2022.
Umakyat naman sa 427 billion pesos ang approved foreign investments o katumbas ng mahigit 4000% na pagtaas.
Isiniwalat ni Usec. Rodolfo na 80% ng foreign investments mula sa European countries ay masasabing bunga ng mga biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa ibat’ ibang bansa.
Karamihan aniya sa mga investment na ito ay mula sa renewable energy sector.