Mas maraming Pilipino ang makararamdam ng mga benepisyo ng diplomatic at business meetings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ibang bansa ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Kim Bernardo-Lokin.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Usec. Lokin na matagal ang gestation period ng foreign investments ni Pangulong Marcos na aabot sa tatlo hanggang limang taon.
Sa kabila nito, iginiit ng DTI official na nararamdaman na ng ilang industriya ang mga epekto nito. Halimbawa na lang dito ang partnership ng Auro Chocolate ng Pilipinas at Mitsukoshi ng Japan.
Ayon kay Usec. Lokin, mapakikinabangan ang naturang partnership ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya.
Nakatakdang gumawa ng product lines ang dalawang kumpanya kung saan ibibida ang cacao beans ng Davao at mga tradisyonal na sangkap ng Japan tulad ng matcha, hojicha, at miso.