Hindi dapat mabahala ang mga foreign investor sa mga public official na tiwali.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang pulong kay Richard Graham, trade envoy to the Philippines ng British prime minister na kasalukuyang nasa bansa para sa official visit.
Tiniyak ni Pangulong Duterte sa lahat ng foreign investor sa Pilipinas na hindi sila dapat mag-alala sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa mga kaso ng extortion dahil kaniyang tatapusin ang katiwalian sa pamahalaan.
Dahil dito, hinimok ng gobyerno ang lahat ng mga British investor na magnegosyo sa Pilipinas.
Nais naman ng Pangulo na pag-ibayuhin ang ugnayan ng Pilipinas at United Kingdom lalo sa usapin ng kalakalan at negosyo.