Pinatawan ng suspensiyon ng ruling presidential council ng Libya ang kanilang foreign minister na si Najla Mangoush dahil sa umano’y ‘administrative violations’ kung saan pinagbabawalan muna itong bumiyahe palabas ng kanilang bansa.
Ayon sa ulat, sinuspinde si Mangoush dahil sa sinasabing pagsusulong nito ng polisiyang panlabas nang hindi man lang nakikipag-ugnayan sa konseho.
Gayunman, hindi sinang-ayunan ng Transitional Government of National Unity ang nasabing desisyon ng council.