Mahaharap sa pagkakakulong at multa ang mga dayuhang nasa bansa na mabibigong ayusin ang kanilang dokumento bago mag Marso 3 ngayong taon.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, alinsunod sa Republic Act 562 o Alien Registration Act, mayroon lamang 60 araw kada taon ang lahat ng dayuhan na magsadya sa alinmang sangay ng Bureau of Immigration o BI para magbayad ng annual fee.
Hindi na, aniya, ito palalawigin pa kaya posibleng maaresto o madeport ang sinumang hindi makasunod sa itinakda ng batas.
By: Avee Devierte / Aya Yupangco