Pinaiimbestigahan ni Senador Bam Aquino ang direksyon ng foreign policy ng Pilipinas.
Iginiit ni aquino na dapat mabigyang-linaw sa Senado ang hinggil sa umano’y kasunduang pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China kaugnay ng Benham Rise.
Ngunit una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs at Department of National Defense na wala silang alam tungkol sa naturang kasunduan.
Ayon kay Aquino, naghain na siya ng resolusyon upang hilingin sa pamahalaan na linawin ang posisyon ng bansa sa iba’t ibang foreign policy.
Nasa committee on foreign relations na ang resolusyon ngunit, sinabi ni Aquino, wala pang itinatakdang araw ng pagdinig ang pinuno ng komite na si Senador Alan Peter Cayetano.
By: Avee Devierte / Cely Bueno