Mahirap pang masabi kung tama ang tinatahak na landas ng foreign policy ng Duterte administration.
Pahayag ito ni Senador Panfilo Lacson matapos tanggihan ng Duterte administration ang ayudang pinansyal ng European Union o EU.
Sinabi ni Lacson na mahirap pang masabi kung tama na bigyan ng tiyansa ang ganitong uri ng foreign policy.
Una nang sinabi ni Lacson na ang desisyong ito ng administrasyon ay pagdedeklara ng independent foreign policy mula sa mga maimpluwesyang western countries.
Ayon kay Lacson, madali lang sanang sabihin na tama ang desisyon ng pamahalaan kung walang territorial dispute ang bansa sa China.
By Len Aguirre | With Report from Cely Bueno