Posibleng maging basehan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang estratehiya na ginawa ng kaniyang ama kaugnay sa paglikha ng foreign policy para sa bansa.
Ito ang sinabi ni De La Salle University Professor Renato de Castro na posibleng pagbasehan ng bagong pangulo ang foreign policy noong taong 1965 hanggang 1986.
Pero aniya, dedepende pa rin ito sa pananaw ni Marcos Jr. sa mundo kung paano niya gagawin ang nasabing polisiya.
Ayon pa kay de Castro, dapat na ikonsidera ni Marcos Jr. ang mga pagbabago sa international system matapos ang panunungkulan ng kaniyang ama.
Mababatid na wala pang itinatalagang foreign affairs secretary ang bagong pangulo.