Pumalo sa $15-M ang Foreign Portfolio Investments (FPIS) o ang tinatawag na “hot money” na pumapasok at lumalabs na pondo sa pilipinas partikular sa merkado bunga ng net inflows nito lamang buwan ng Enero.
Dahil dito, unti-unting umaangat at nakakabawi ang ekonomiya ng bansa sa kabila ng mahigpit na quarantine measures na ipinatupad sa gitna ng surge sa COVID-19 cases.
Ayon sa Bangko Sentral Ng Pilipinas (BSP), ang naitalang Net Inflow ay kabaliktaran ng Outflows na $4-M na naitala noong December 2021.
Sa datos ng BSP, ang $731-M registered investments noong nakaraang buwan ay nagpakita ng pagbaba ng 45.1% o ng $600-M kumpara sa $1.3-B na naitala noong December 2021.
Karamihan sa Investment o 68% na nagparehistro ay nagmula sa Philippine Stock Exchange (PSE) kabilang din dito ang holding firms; property; banks; food, beverage and tobacco maging ang TeleCommunications habangang natitirang 32% naman ay nasa Peso Government Securities kabilang na ang Treasury Bills at Treasury Bonds. —sa panulat ni Angelica Doctolero