Nagbabala ang Thai University sa mga dayuhang estudyante na nagwewelga laban sa gobyerno at kudetang nagaganap sa Myanmar na tatanggalan ito ng mga visa.
Ayon sa ipinadalang memo sa mga estudyante ng Asian Institute of Technology (AIT), ginagalang nito ang kalayaan sa pamamahayag ng mga mag-aaral subalit iminumungkahi ng Thailand na siyang host country na huwag ng makisali pa ang mga ito sa kilos-protesta.
Batay sa ulat ng Reuters, hindi direktang tinukoy sa memong ipinadala sa mga estudyante ang demonstrasyong nagaganap sa Myanmar subalit sakop nito ang mga protestang nagaganap sa embahada ng Bangkok, United Nations.
Magugunitang malaking komunidad ng Thailand ang Myanmar kung saan nitong mga nagdaang linggo ay may mga kilos-protestang nagaganap.
Paliwanag naman ni Police Colonel Charoenpong Khantilo, hepe ng immigration office sa Pathum Thani sa panayam ng Reuters, nag-aalala lamang sila sa kaligtasan ng mga estudyante subalit hindi ito tatanggalan ng visa at ilalagay sa blacklist.
Giit pa nito, hindi nila nais na limitahan ang kalayaan sa pamamahayag ng mag-aaral.— sa panulat ni Agustina Nolasco
This is my alma mater, Asian Institute of Technology break on basic human right: freedom of expression.
Donor organizations: Asian Development Bank, Royal Norwegian Embassy in Yangon, World Bank and individuals must consider to provide financial contribution to AIT. pic.twitter.com/At3grfqg8B
— Thiri Hmwe Maung Maung (@thiri_hmwe) March 9, 2021