Pinamumunuan na ngayon ng Malaysian Terrorist na si Amin Bacu ang mga natitirang miyembro ng Maute-ISIS group na patuloy na nakikipagbakbakan sa mga sundalo sa Marawi City.
Ito ay matapos mapatay ng militar ang lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute na nasundan pa ng pagkakasawi sa operasyon ng Malaysian ding si Dr. Mahmud Ahmad.
Ayon sa ulat, ang dayuhang terorista na si Bacu ay pumasok sa bansa nuong 2010 sa pamamagitan ng southern backdoor.
Sinasabing nananatili ngayon at nakikipaglaban ang mga natitirang terorista sa tatlong istruktura sa Marawi.