Tumaas ang naitalang foreign tourist arrival sa bansa sa kalagitnaan ng 2019.
Ito ay batay sa tala ng Department of Tourism (DOT) kung saan umabot sa kabuuang 4,133,050 na dayuhang turista ang dumating sa bansa mula buwan ng Enero hanggang Hunyo.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, naabot ang target na 4-million tourist arrivals ng gobyerno sa unang anim (6) na buwan ng taon.
Mas mataas ito kumpara sa 3.7-million na naitala sa kaparehong panahon ng 2018.
Naniniwala si Puyat na malaking bagay sa pagyabong ng turismo ng bansa ang mas maayos at nadagdagang koneksyon sa pamamagitan ng mga bagong ayos at pinalawak na paliparan sa bansa.
Nangunguna ang South Korea sa mga turistang nagtungo sa Pilipinas na sinundan naman ng China, Estados Unidos, Japan at Taiwan.