Nalampasan na ng Pilipinas ang full-year target para sa foreign tourist arrivals.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, nakapagtala ang bansa ng halos limang milyong turista hanggang Nobyembre a-bente syete, na mas mataas sa 4.8 million target para sa buong 2023.
Dagdag ng kalihim, na ang foreign tourist ay bumubuo sa 91.9% ng arrivals habang ang nalalabing 8.1% ay returning overseas Filipinos.
Sa ngayon, nananatiling top source market ng bansa ang South Korea kung saan nakapagtala ng higit 1M na turista o may 26.37% ng kabuuan.
Giit ng Department of Tourism na ang pagtaas sa arrivals ay bunga ng pagluwag ng visa policies, pagtatayo ng tourist rest areas, at ilan pang mga bagong inisyatibo.