Halos 7M foreign tourists ang bumisita sa bansa sa unang 10 buwan ng taong ito.
Ito ay ayon sa Department of Tourism ay 15% pagtaas sa naitalang foreign tourists nuong isang taon.
Ayon sa Department of Tourism ang nangunguna pa rin sa foreign tourist ng bansa ang South Koreans na nasa halos 1. 7 million o mahigit 21% ng kabuuang sinabi ng DOT na magandang pagkakataon ito matapos lumagda ang 2 bansa sa Tourism Cooperation Program.
Ikalawang pinakamaraming bumisita sa bansa ang China na nasa halos 1. 5 na sinundan ng Amerika at ika-apat ang Japan at ika-lima ang Taiwan.
Sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na kabilang sa factors nang pagtaas ng foreign tourists ay pinalakas na air connectivity, marketing promotions kabilang ang binuhay na ‘It’s more fun in the Philippines’ campaign, relasyon sa ibang bansa at gumagandang pagkilala sa bansa sa sustainable tourism advocacy.