Tumaas ang bilang ng Foreign o International travelers na nagpupunta sa Pilipinas ngayong taon.
Ito ay dahil sa pagluluwag ng restriksiyon ng bansa at pagbubukas ng mga borders sa mga dayuhan na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, nito lamang Pebrero a-10 hanggang a-28, umakyat na sa 47,715 ang bilang ng international arrivals kung saan, 45% dito ay balikbayan habang 55% naman ang foreign tourists.
Kabilang sa mga foreign travelers ay mula sa Estados Unidos, Canada, United Kingdom, South Korea, at Australia.
Tiniyak naman ni Puyat na magpapatuloy ang implementasyon sa pagsunod ng minimum health protocols, kasabay ng pagpapataas sa bilang ng mga nabakunahan at nabigyan ng booster shot na tourism workers. - sa panulat ni Angelica Doctolero