Tuloy ang foreign trips ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ay sa kabila ng nangyaring pagsabog sa Davao city night market kung saan mahigit sampu ang patay habang mahigit animnapu ang sugatan.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, tuloy ang biyahe ng pangulo patungong Brunei habang dadalo din ito sa ASEAN summit na idaraos sa laos sa susunod na Linggo.
Pagkatapos ng ASEAN summit ay diretso namang Indonesia ang Pangulong Duterte para sa official visit nito duon.
Una rito, nagdadalawang isip ang pangulo kung tutuloy pa sa kanyang mga biyahe abroad dahil sa insidente sa Davao.
By Ralph Obina