Maaari nang makapagtayo ng branch campuses ang mga foreign universities sa bansa.
Nakapaloob ito sa Republic Act 11448 o transnational higher education act na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pangangasiwaan ng CHED ang mga foreign universities na dapat sumunod sa labor code ng Pilipinas.
Nakasaad din sa batas na dapat ang curriculum ay nakakaagapay sa kasalukuyang global development, trends and values.
Kinakailangan din ng foreign universities ng local partner kung saan dapat ay 60% ang pag-aari ng mga Pilipino at nakarehistro sa securities and exchange commission.