Pababalikin sa mga pinanggalingang bansa ang mga foreign workers kung hindi tatanggap ng dalawang dose ng Covid-19 vaccine.
Ito ang binabala ng bansang Jordan kung saan target nilang ipatupad ito sa kalagitnaan ng Disyembre.
Base sa inilabas na statement ng interior ministry ng naturang bansa, pinaalalahanan nito ang mga foreign workers na dapat na silang magpabakuna dahil ito ay libre naman.
Bukod dito, hindi na rin kailangang magprisinta pa ng residence o work permit bago magpaturok ng bakuna
Matatandaang libo-libong pinoy workers ang nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Nagbukas noon ang Jordan ng mga vaccination centers para sa libreng pagbabakuna ng mga Jordanians at foreigners.
Sa kasalukuyan, aabot na sa mahigit 3 milyon ang nabakunahan mula sa 10 milyong populasyon mayroon ang naturang bansa.