Patay ang isang 30 taong gulang na empleyado ng Department of Environment and Natural Resources matapos malunod sa ilog sa bayan ng General Nakar sa Mountain Province.
Inabot ng 3 araw ang search & rescue operations bago natagpuan ang labi ng Forest Monitoring Officer na si Rigor Santos.
Noong October 28, si Santos at 3 iba pa ay nagsagawa ng survey at mapping activities para sa isang proyekto nang tangayin ng malakas na hampas ng tubig sa Kanan River sa Barangay Mahabang Lalim.
Nabatid na si Santos ay residente ng Tanay, Rizal at nagtapos ng kursong Bachelor of Agricultural Technology mula sa University of Rizal System.