Nag ugat ang 19M dollar suit ni Grande sa paggamit ng Forever 21 sa kaniyang ka-look alike sa website at social media Ad campaign ng nasabing clothing line.
Sinabi ni Grande na ginamit ng Forever 21 at ng founder nitong si Riley Rose ang kaniyang pangalan, imahe sa pamamagitan nang pagkuha ng modelong kamukha niya.
Kasunod na rin ito nang hindi natuloy na partnership ng Forever 21 at ni Grande dahil sa isyu ng talent fee ng singer.
Sa reklamo ni Grande, 30 larawan at video ang ginamit ng Forever 21 sa kampanya at ginamit din ang audio at lyrics para sa kaniyang number one single na ‘7 Rings’ bukod pa sa paggaya sa kaniyang pananamit.