Muling bumaba sa ika-apat na araw ang halaga ng piso kontra dolyar sa pagsasara ng palitan kahapon.
Nagsara ang palitan sa 49 pesos at 87 centavos kontra isang (1) dolyar, mababa ng mahigit sampung sentimos (P0.10) kumpara noong Miyerkules.
Ayon sa isang ekonomista, ang paghina ng piso ay bunsod ng pananatiling matatag ng United States Treasury dahilan upang tumaas ang dolyar.
Maliban dito, inirereserba rin ng mga mamumuhunan ang kanilang dollar reserve bunsod ng papalapit na French Elections at ang hindi pa nareresolbang sigalot sa pagitan ng Amerika at North Korea.
Samantala, nagsara naman sa 63 pesos at 53 centavos ang palitan ng piso at pound; 53 pesos at 25 centavos sa euro; 13 pesos at 25 centavos sa Saudi riyal; 35 pesos at 55 centavos sa Singaporean dollars.
Gayundin, nasa 6 pesos at 39 centavos ang isang Hongkong dollars; 46 centavos kada isang yen; 36 pesos at 87 centavos sa Canadian dollar at 131 pesos at 99 centavos sa Bahrain dinar.
ByKrista de Dios
FOREX: Piso mababa sa ika-apat na araw was last modified: April 21st, 2017 by DWIZ 882