Ipinagpaliban sa ibang petsa ang pagbubukas muli ng pormal na pag-uusap sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista.
Ito ay upang bigyang daan muna ang SONA o State of the Nation Address ng Pangulong Rodrigo Duterte sa July 25 at upang maisaayos muna ang pagpapalaya sa 109 na political prisoners.
Sa isang panayam, sinabi ni Jose Maria Sison, Founder ng Communist Party of the Philippines na posibleng itakda nila sa August 15 hanggang 22 ang pormal na pag-uusap sa halip na sa ikatlong linggo ng Hulyo na unang napagkasunduan.
Depende anya ito, kung agad mabibigyan agad ng JASIG o Joint Agreement on Safety and Guarantee ang 22 political prisoners at pagpapalaya pa sa 87 na matatanda na at may sakit nang political prisoners.
Sinabi ni Sison na handa silang bigyan ng mas mahabang oras ang pamahalaan upang mapalaya ang kanilang mga kasamahan.
By Len Aguirre