Naglatag na ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa tamang formatting at spelling ng scientific name ng Philippine Eagle na nasa P1000 banknote.
Nilinaw ng BSP ang na unang sample na kamakailan ay kumalat sa ilang social media site matapos ipadala sa kanilang ahensya para sa pagsusuri.
Kabilang sa itinama ng BSP ang pagbabaybay at pag-italicize ng siyentipikong pangalan ng Philippine eagle.
Tampok sa bagong disenyo ng pera ang Philippine eagle na nasa harap, kapalit ng world war 2 heroes na sina Jose Abad Santos, Vicente Lim at Josefa Llanes Escoda.
Nakatakda namang ilabas sa Abril 2022 ang naturang bank note. —sa panulat ni Angelica Doctolero