No show si dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste sa kanyang arraignment sa Sandiganbayan dahil sa kasong Malversation.
Dahil dito, ipinagpaliban ng Anti-graft Court ang pagbasa ng demanda kay Leviste.
Samantala, nagpasok naman ng Not Guilty Plea ang kapwa niya akusado na si Philip John Moreno, Accountant sa Philippine Retirement Authority o PRA.
Matatandaang kinasuhan ng Ombudsman sa Sandiganbayaan noong nakaraang buwan sina Leviste at Moreno.
Nabigo si Leviste na ma-liquidate ang halagang P.151,385 na bahagi ng kaniyang cash advances sa kanyang nga biyahe sa labas ng bansa noong siya pa ang namumuno sa PRA noong 2003.
Nadawit sa kaso si Moreno dahil siya ang nag-account ng cash advances ng dating Gobernador ng Batangas.
By: Meann Tanbio