Nanindigan si dating Health Secretary Janette Garin na walang anomalya sa kanilang pagbili ng “dengvaxia,” ang bakuna kontra dengue mula sa Sanofi.
Ayon kay Garin, maliban sa mayroon itong approval ng Food and Drug Administration (FDA), mas mura pa itong nabili ng Pilipinas noong isang taon kumpara sa mga bansang bumibili ngayon.
Una nang pinuna ni Health Secretary Paulyn Ubial ang timing ng pagsisimula ng dengue vaccination program ng DOH noong nakaraang taon at ang halaga ng ginastos sa programa.
Bahagi ng pahayag ni former DOH Secretary Janette Garin
Anti-vaccine groups
Normal lang na mayroong mga grupong tututol sa pagpapabakuna, katulad ng pagbibigay ng DOH ng dengue vaccine sa mga paaralan.
Sinabi ni dating Health Secretary Janette Garin na ito ay dahil mayroong ilang grupo na naniniwalang hindi kailangan ng katawan ng gamot bilang panlaban sa sakit.
Binigyang diin din ni Garin na dumadaan sa masusing pag-aaral ang bawat pagpaplano ng DOH na vaccination program.
Bahagi ng pahayag ni former DOH Secretary Janette Garin
By Katrina Valle | Ratsada Balita