PORMAL nang kinasuhan ang dating health minister ng France na si Agnes Buzyn dahil sa umano’y palpak nitong pagtugon sa COVID-19 crisis.
Ayon sa mga imbestidador sa isang special court sa Paris, nakakita sila ng sapat na batayan para usigin ang dating opisyal.
Batay sa reklamo laban kay Buzyn, binanggit na inilagay nito sa peligro ang buhay ng maraming mamamayan.
Maliban kay Buzyn, iniimbestigahan din si dating Prime Minister Edouard Philippe, gayundin ang kasalukuyang health minister na si Olivier Veran na may kaugnayan din sa umano’y sablay na kampanya kontra COVID-19.