Kinasuhan ng BIR ng Tax Evasion si dating LTO Chief Alberto Suansing at kumpanya nito
Ayon sa BIR pumapalo sa 29. 83 Million o halos 30 Million Pesos ang hindi nabayarang buwis ni Suansing gayundin ang kumpanya nitong North Star Port Development Corporation at Treasurer ng kumpanya na si Rosauro Aguinaldo
Sinabi ng BIR na binalewala ng kumpanya ang mga paalalang ipinapadala nila hinggil sa utang nito sa buwis nuong 2008
Wala namang uubrang assets ang naturang kumpanya ni Suansing para ipamalit bilang bayad sa utang nito sa buwis
By: Judith Larino