Pinayagan ng Sandiganbayan ang asawa ni dating Vice President Jejomar Binay na bumiyahe sa Japan mula Abril 1 hanggang 8.
Batay sa desisyon ng Anti-Graft Court, sa Osaka at Tokyo lamang maaaring magpunta si Elenita Binay at kailangang magbayad ng travel bond na aabot sa P420,000.
Nahaharap si Ginang Binay sa kasong graft sa Sandiganbayan 5th Division dahil sa maanomalya umanong pagbili ng mahigit P70 milyong halaga ng mga muwebles at iba pang gamit pang opisina noong Mayor pa siya ng Makati.
By Meann Tanbio