Kinasuhan ng Office of the Ombudsman ng multiple counts of criminal charges ang dating Alkalde ng Norzagaray, Bulacan na si Feliciano Legaspi Sr.
Ito’y dahil sa hindi otorisadong pagkasal sa 39 na couples mula December 14, 2012 hanggang May 28, 2013 habang siya ay nasa ilalim ng 6 month suspension.
Bukod dito, nag-isyu rin si Legaspi ng Business Permit sa Wacuman Incorporated noong February 22, 2013 na may Official Receipt no. 9779076.
Ayon sa office of the special prosecutor, epektibo ang suspension order ng Ombudsman laban kay Legaspi mula December 12, 2012 hanggang June 13, 2013.
Dahil dito, nahaharap ngayon si Legaspi sa 40 counts of Usurpation of Official Functions sa ilalim ng Article 177 ng revised penal code.
P. 10,000.00 ang inirekomendang bail bond ng office of the special prosecutor sa bawat bilang ng kaso o katumbas ng P. 400,000.00.
By: Meann Tanbio