Ipinanganak na ng former Miss Philippines Earth na si Imelda Schweighart ang kanyang inilihim na ipinagbuntis noong Hulyo 21.
Sa pamamagitan ng magkakasunod na posts sa kanyang Instagram account, ipinaalam ni Imelda ang kanyang panganganak sa isang baby boy na pinangalanan niyang ‘Sun Noach’ na ngayon ay nasa isang buwan na.
Ikinuwento niya na sa bahay lamang siya nanganak sa pamamagitan ng natural water birth.
Dagdag pa ni Imelda, inabot ng pitong oras ang kanyang pag-labor.
Samantala, hindi naman nabanggit ng former Miss Philippines Earth kung sino ang ama ni baby Sun.
Si Imelda ay naging kontrobersyal noong kasagsagan ng 2016 Miss Earth na ginanap sa Pilipinas.
Kung saan nagpakawala ito ng mga komento kaugnay sa nanalong Miss Earth na si Miss Ecuador Katherin Espin.
Inulan ng mga negatibong reaksyon si Imelda mula sa netizens kaya’t nag desisyon itong bitawan ang kanyang korona bilang Miss Philippines Earth.