Tinanggap ni dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos ang alok na maging bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni presumptive President ‘Bongbong’ Marcos Jr., bukas si Abalos sa bagong posisyon.
Si Abalos ang Campaign Manager ng UniTeam na kinabibilangan ni Marcos at ka-tandem na si presumptive Vice President Sara Duterte-Carpio.