Nakatakdang litisin ng Sandiganbayan si dating MRT3 General Manager Al Vitangcol makaraang mapagtibay ang mga kaso laban sa kanya kaugnay ng pangingikil sa isang foreign supplier.
Ayon sa Sandiganbayan 6th division, ibinasura rin ang mosyon ni Vitangcol dahil sa argumento niyang walang kasong tangkang pangingikil.
Dahil dito, babasahan ng sakdal si Vitangcol sa Marso 16.
Nag-ugat ang mga kasong paglabag ng anti-graft and corrupt practices act laban kay Vitangcol nang pinapunta umano niya si Philippine Trans Rail Management and Services Corporation Executive Wilson De Vera sa bahay ni dating Czech Ambassador Josef Rychtar sa Forbes Park Makati upang manghingi ng 30 Milyong Dolyar mula sa mga kinatawan ng Inekon Group.
Kapalit umano ito ng kontrata para sa MRT3 capacity expansion project.
By: Avee Devierte