Nagpiyansa si outgoing Pangasinan Governor Amado Espino Jr. para sa kasong graft sa Sandiganbayan 6th division.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y illegal black sand mining sa Lingayen Gulf.
Kasama ang kanyang abogado, agad dumiretso si Espino sa 6th Division Office of the Clerk of Court para magbayad ng P. 60,000.00 bail-bond at sumailalim sa booking procedure.
Pagkatapos magbayad ng piyansa, tumanggi na si Espino na magpa-interview sa media.
By: Meann Tanbio