Nanawagan si AANGAT Tayo Party-list Representative Neil Abayon sa Office of the Ombudsman na gamitin nito ang kapangyarihang magsagawa ng motu propio investigation sa maanomalyang pag-angkat ng mga palpak na bagon ng MRT.
Sa opinyon ni Abayon na kasapi ng House Justice Committee, sina dating Transportation Secretary Joseph Emilio “Jun” Abaya at dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III daw ay dapat kasuhan sa pagbili ng P3.8 bilyong halaga ng mga palpak na bagon.
Sa pagsusuri ng Department of Transportation, overweight at di pwedeng magamit ang apatnapu’t walong (48) light rail vehicles (LRVs) na inimport ng Aquino administration mula sa China dahil incompatible daw ito sa sistema ng MRT.
“Sayang ang P3.8 billion na ginastos ng gobyerno para bilhin ang mga bagon na wala naman palang pakinabang kaya dapat lang may managot” giit ni Abayon sa isang pahayag.
Dapat rin umano mapanagot ng Ombudsman ang iba pang opisyal noon ng Malacanang na pumirma sa mga dokumento at pumayag na mai-angkat ang mga inutil na bagon ng tren.
By: RPE