Natagpuang patay sa loob ng kanilang tinitirhang bahay sa Southern Spain ang 46 years old na former Qatar Princess na si Kasia Gallanio.
Ayon sa Spanish Police, nakatanggap sila ng tawag mula sa anak ni Gallanio dahil hindi na ito umano nakakatawag sa kaniya.
Agad na pinuntahan ng mga otoridad ang bahay nito at dito na nakitang wala nang buhay sa kaniyang kama sa kanilang apartment si Gallanio noong linggo ng umaga.
Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagkamatay ni Gallanio na ngayon ay isinasailalim na sa autopsy.