Balik-kulungan na si dating Senador Bong Revilla matapos ang isang linggong pagpapaospital nito.
Ayon kay PNP Custodial Service Unit Chief Ariel Apud, ipinagbigay-alam na sa Sandiganbayan na nadischarge na si Revilla sa St. Luke’s Medical Center noong Sabado ng hapon.
Nakabalik sa Camp Crame si Revilla noong araw ding iyon nang walang aberya.
Matatandaang isinugod sa ospital si Revilla noong isang linggo dahil sa matinding pananakit ng ulo, pagsusuka, at mataas na presyon.
Nahaharap si Revilla sa mga kasong plunder at graft kaugnay sa pork barrel scam.
By: Avee Devierte