Buo ang pamilya ni dating Senador Jinggoy Estrada sa pagsalubong sa kaniya matapos siyang makalaya kaninang tanghali.
Si Jinggoy ay sinundo ng kaniyang may bahay na si Precy at kanilang limang anak sa PNP Custodial Center patungong Sandiganbayan kung saan prinoseso na ang tuluyang paglaya ng dating Senador.
Dumiretso ang pamilya sa isang seafood restaurant sa San Juan para sa isang lunch kasama ang iba pa nilang mga mahal sa buhay.
Isang misa naman ang dinaluhan ng pamilya sa Pinaglabanan Church matapos ang pananghalian nila.
SMW: RPE