Sumakabilang-buhay na si dating Senate President Jovito Salonga sa edad na 95.
Naulila ni Salonga ang kanyang 5 anak na sina Patricia, Victoria Regina, Ricardo, Esteban Fernando, at Eduardo.
Si Salonga na ipinanganak sa Pasig City noong June 22, 1920 ay ang bunso sa 5 anak na lalaki nina Pastor Esteban Salonga at vendor Bernardina Reyes.
Ang dating senador ay nakilala sa kanyang pakikibaka laban sa kahirapan at kawalan ng hustisya o injustice na gamit lamang ang sipag, tiyaga, at disiplina.
By Jelbert Perdez